Kaso ng COVID-19 sa Baguio City, 455 na

Nasa 11 pang residente sa Baguio City ang nagpositibo sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 3:00, Lunes ng hapon (September 14), umabot na sa 455 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Tatlo naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 341 na ang total recoveries sa Baguio City habang 11 pa rin ang death toll.

Samantala, sa suspected cases, nasa 1,746 ang aktibo habang 3,195 ang naka-recover.

Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 7,728 na residente habang 19,236 ang nakatapos na.

Read more...