Sa pagdinig ng komite, kinuwestyon ni House Committee on Public Accounts Chair at ANAKALUSUGAN Rep. Mike Defensor ang ginagawang paggasta ng DOH sa pondo para sa Health Facilities Enhancement Program o HFEP.
Sabi ni Defensor, wala pa ring pagbabago sa basic health facilities lalo na sa mga lalawigan sa kabila ng malaking pondo ang inilalaan sa programa.
Nakakapanghinayang aniya na kada taon ay halos P20 bilyon ang inilalaan sa HFEP ngunit kahit maliliit na ospital sa tourist sites tulad ng Boracay ay walang naipatayo.
Bukod dito, halos wala ring ospital na mapag-dalhan kahit na mild COVID-19 patients dahil karamihan sa public health care facilities ay kulang ang kagamitan.