Pagdinig sa 2021 proposed budget ng DOH, sinuspinde

By Erwin Aguilon September 14, 2020 - 09:33 PM

Ipinagpaliban ng House Committee on Appropriations ang pagdinig para sa panukalang P204B 2021 budget ng Department of Health (DOH).

Sa pagdinig ng komite, kinuwestyon ni House Committee on Public Accounts Chair at ANAKALUSUGAN Rep. Mike Defensor ang ginagawang paggasta ng DOH sa pondo para sa Health Facilities Enhancement Program o HFEP.

Sabi ni Defensor, wala pa ring pagbabago sa basic health facilities lalo na sa mga lalawigan sa kabila ng malaking pondo ang inilalaan sa programa.

Nakakapanghinayang aniya na kada taon ay halos P20 bilyon ang inilalaan sa HFEP ngunit kahit maliliit na ospital sa tourist sites tulad ng Boracay ay walang naipatayo.

Bukod dito, halos wala ring ospital na mapag-dalhan kahit na mild COVID-19 patients dahil karamihan sa public health care facilities ay kulang ang kagamitan.

TAGS: 18th congress, DOH 2021 budget, DOH 2021 proposed budget, Health Facilities Enhancement Program, HFEP, IATF, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Mike Defensor, 18th congress, DOH 2021 budget, DOH 2021 proposed budget, Health Facilities Enhancement Program, HFEP, IATF, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Mike Defensor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.