Mga nahuling violator sa gitna ng GCQ sa Navotas City, higit 6,800 na

By Angellic Jordan September 14, 2020 - 08:13 PM

Lagpas 6,800 na ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures sa Navotas City.

Ito ay kasabay ng umiiral na general community quarantine (GCQ).

Sa ulat ng Navotas City Police, umabot sa kabuuang 6,804 ang mga nahuling lumabag sa safety measures para maging protektado laban sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 4,211 ang nahuling walang suot na face mask o hindi tama ang pagkakasuot nito.

Nasa 2,179 katao naman ang lumabag sa curfew.

414 naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

TAGS: COVID-19 response, GCQ violators, Inquirer News, Navotas City Police, quarantine violators, Radyo Inquirer news, COVID-19 response, GCQ violators, Inquirer News, Navotas City Police, quarantine violators, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.