Bilang ng mga nakapag-enroll para sa SY 2020-2021, higit 24.44 milyon na

By Angellic Jordan September 14, 2020 - 07:45 PM

Mahigit 24.44 milyon na ang bilang ng mga estudyante na nakapag-enroll sa bansa para sa School Year 2020-2021.

Ito ay base sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) bandang 8:00, Lunes ng umaga (September 14).

Ayon sa DepEd, tinatayang 24,448,014 na ang bilang ng enrollees sa bansa.

Katumbas ito ng 88.03 porsyento ng enrollees noong School Year 2019-2020.

Sa nasabing bilang, 22,314,572 mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang 2,080,680 milyon naman ang nasa private schools.

Karamihan sa naitalang kabuuang bilang ng enrollees ay elementarya students na nasa 11,766,330.

Umabot naman sa 7,710,294 ang mga nakapag-enroll sa Junior High School at 2,796,621 sa Senior High School.

Nasa 1,727,608 na mag-aaral ang nag-enroll sa Kindergarten habang 382,383 sa Alternative Learning System.

64,778 naman ang learner with disabilities (non-graded) na nakapag-enroll.

Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng enrollees.

TAGS: blended learning, deped, Inquirer News, national enrollment SY 2020-2021, number of enrollees SY 2020-2021, online class, Radyo Inquirer news, blended learning, deped, Inquirer News, national enrollment SY 2020-2021, number of enrollees SY 2020-2021, online class, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.