Higit 13.85-M pamilya, naayudahan sa ilalim ng 2nd tranche ng SAP

Nabigyan na ng ayuda ang higit 13.85 milyong pamilya sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Umabot na sa kabuuang 13,854,154 pamilyang benepisyaryo na ang nakatanggap ng cash aid.

Ito ay batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development hanggang 8:00, Linggo ng gabi (September 13).

Dahil dito, aabot na sa P82.7 bilyon ang nailabas ng DSWD para sa 2nd tranche ng SAP.

Sinabi pa ng kagawaran na tuloy pa rin ang pamamahagi ng emergency subsidy sa mga benepisyaryo ng SAP, kabilang ang mga “waitlisted” o karagdagang mga pamilya.

Read more...