LPA sa loob ng bansa, patuloy na kikilos pa-Kanluran

Photo grab from DOST PAGASA website

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, huling namataan ang LPA sa layong 215 kilometers Silangang bahagi ng Catarman, Northern Samar bandang 3:00 ng hapon.

Nagdudulot aniya ang LPA ng pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Tatawid aniya ang LPA sa gitnang bahagi ng bansa partikular sa pagitan ng Southern Luzon at Northern Visayas.

Sinabi pa ni Rojas na patuloy na kikilos ang LPA sa direksyong pa-Kanluran.

Inaasahang aniyang sa Miyerkules, September 16, nakalabas na ang LPA sa West Philippine Sea.

Posible pa aniyang lumakas ang LPA at maging Tropical Depression habang papalapit sa baybayin ng Vietnam.

Maliban dito, sinabi ni Rojas na wala nang ibang weather disturbance na nakakaapekto sa lagay ng panahon sa bansa.

Read more...