Pinaaksyon ng ilang mga mambabatas ang Department of Health (DOH) kaugnay sa libu-libong unfilled positions sa kagawaran.
Sa pagdinig ng Kamara sa P127.2-billion proposed 2021 budget ng DOH, sinabi ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na nasa 14,000 ang bakanteng posisyon sa kagawaran.
Sabi ni Castro, sa halip na patuloy na kumuha ng mga empleyadong nasa ilalim ng job order o contract of service ay dapat punuan na lamang ng DOH ang mga bakanteng posisyon na mayroon ito sa ngayon.
Paliwanag naman ni Health Usec. Roger Tong-an na karamihan sa unfilled positions ng DOH ay para sa residency at fellowship programs ng mga doktor.
Marami rin aniyang bakanteng posisyon para sa physical therapists, medical technologist at respiratory therapists dahil karamihan sa mga ito ay lumabas na ng bansa bunsod ng mas mataas na sahod.
Sa ngayon, nasa 1,831 naman ang bakanteng posisyon para sa nurses.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.