BREAKING: Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 265,000 na

Mahigit 4,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (September 14), umabot na sa 265,888 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 53,754 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 4,699 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

88.4 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.2 porsyento ang asymptomatic; 1.3 porsyento ang severe habang 2.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 259 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 4,630 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 249 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 207,504 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...