Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 48 na kaso hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (September 14).
“Based on our investigations so far, there are no cases in the community” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.
Maliban dito, mayroon ding lima pang imported case na inilagay sa Stay-Home Notice o isolation pagkadating sa Singapore.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Sa kabuuan, pumalo na sa 57,454 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.
MOST READ
LATEST STORIES