Free online courses para sa Filipino Seafarers iniaalok ng DOLE

By Jan Escosio September 14, 2020 - 01:09 PM

Para mapaghusay pa ang kakayahan ng mga Filipino seafarers nag-aalok ang gobyerno ng online maritime courses.

Bukod sa mga kurso para mapagbuti ang kanilang kahusayan at karunungan, nag-aalok din ang National Maritime Polytechnic o NMP ng personal safety courses, gaya ng STD/HIV/AIDS Prevention in Maritime Sector o SHAPIMS at Prevention of Alcohol and the Drug Abuse in the Maritime Sector o PADAMS.

Nasa ilalim ng pangangasiwa ng DOLE ang NMP.

Ayon kay NMP Executive Director Joel Maglunsod ang naturang programa ay ligtas na alternatibo sa classroom-based education at makakapag-aral sila sa kanilang sariling pamamahay, opisina o kahit sila ay naka-deploy sa barko.

Dagdag pa ni Maglunsod ang lahat na makakakumpleto ng online courses ay tatanggap ng Certificate of Completion

Sinabi pa ng opisyal na ang safety courses ay ginawa sa pakikipagtulungan sa International Labor Organization at United Nations Program on HIV / AIDS.

Nag-aalok din ng online course na Gender Sensitivity Training for Seafarers ang NMP.

Tatagal ang pag-aalok ng online courses hanggang sa Disyembre ng taon.

 

 

TAGS: DOLE, free online courses, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, DOLE, free online courses, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.