Pinaikling physical distance sa public transport ikinabahala ng LCSP

September 14, 2020 - 10:17 AM

Kinuwestiyon ng grupo ng mga tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga mananakay ang panibagong kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na paikliin ang sukat ng distansiya ng mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon simula ngayong araw na ito, Lunes, Sityembe 14,2020.

Mula kasi sa dating one meter Social distance ay ginawa na lamang .75 meter ang distansiya ng bawat pasahero.

Saad ni Atty. Ariel Inton, pangulo ng Lawyers for Commuters Safety and Protection(LCSP), kung ang layunin ng DOTr ay para madagdagan ang bilang ng mga pasahero sa mga Public vehicle ay tila inilalapit na rin ang publiko sa peligro ng COVID-19.

“Meron ba tayong Medical basis, na kapag ang Social distance ay kinompromise ay ano ang magiging epekto?” Tanong ni Inton.

Aniya, kung ang layunin ng naturang hakbang ng DOTr ay para madagdagan ang bilang ng mga pasahero na makakasakay tuwing rush hour ay dapat maglatag ng alternatibong safety Health protocols sa Public transport system, katulad nang ginagawa sa ibang bansa na bagaman binawasan ang bilang ng mga pumapasada ay may nakalatag namang malinaw na mga panuntunan para sa kaligtasan ng mga mananakay.

“Kaya nga very firm dati ang [DOTr] kung saan maliban sa Face shield, Face mask at 1-meter distance dahil 99.9 percent umano itong epektibo na panlaban sa COVID.” Wika ni Inton.

Mungkahi ni Inton, dapat dagdagan na lamang ang aktuwal na bilang ng mga pampublikong sasakyan na pumapasada upang masiguro na makasasakay ang commuters sa rush hours.

Hindi rin aniya uubra na basta na lamang sasabihin ng DOTr na papayagan nila na maka-biyahe ang ibang Public utility vehicle gayung di naman nila matukoy ang aktuwal na pumapasada.

Naniniwala si Inton na mahirap din sa hanay ng mga operator at mga drayber na pumasada kung malulugi lamang din sila dahil sa umiiral na “reduce capacity.”

Nangangamba tuloy ang LCSP na baka magkatotoo ang agam-agam ng mga transport exports na darating ang panahon na tuluyan nang walang masakyan ang publiko dahil sa hindi na kinaya ng mga tsuper ang mga umiiral na panuntunan sa public transportation.

 

 

 

 

TAGS: ariel inton, commuters, Lawyers for Commuters Safety and Protection, public transportation, ariel inton, commuters, Lawyers for Commuters Safety and Protection, public transportation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.