Surigao del Sur niyanig ng magkasunod na lindol
Dalawang magkasunod na pagyanig ang muling naital sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 3.5 na pagyanig sa 52 kilometers southeast ng bayan ng Cortes, alas-10:18 umaga ng Lunes (September 14) at may lalim na 23 kilometers
Sumunod na naitala ang magnitude 3.0 na lindol sa 39 kilometers northeast ng bayan naman ng Bayabas alas-10:20 ng umaga at may lalim na 20 kilometers.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.