Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 4.3 na pagyanig sa 246 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-10:47 umaga ng Lunes (September 14) at may lalim na 21 kilometers.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Nauna ng niyanig ng dalawang magnitude 4.5 na lindol ang lugar kaninang alas-12:50 at alas-4:41 ng madaling araw, naitala rin ang magnitude 3.5 kaninang ala-1:12 ng madaling araw.
MOST READ
LATEST STORIES