Pagpapalawig ng moratorium sa pagbabayad sa pabahay ng gobyerno iginiit

By Erwin Aguilon September 14, 2020 - 11:15 AM

Hinimok ni Assistant Majority Leader at Iloilo Rep. Julienne Baronda ang Kamara na palawigin ang moratorium sa loan payments sa pabahay ng pamahalaan.

Ayon kay Baronda, sa halip na hanggang tatlong buwan ay i-extend pa ng mas mahabang panahon o mga ilang buwan ang moratorium sa pagbabayad ng mga hinuhulugang housing units.

Sabi ng Ilonggo solon, Malaking tulong ang pagpapalawig ng moratorium sa pagbabayad sa pabahay lalo na sa mga OFWs na napilitang umuwi ng bansa at walang hanapbuhay.

Hinikayat din nito na maglatag ng mas epektibong mekanismo para sa application at identification ng mga benepisyaryo ng Balik Probinsiya Bagong Pagasa Housing Program upang mapalakas pa ang nasabing programa.

Inihirit din ni Baronda sa mga kongresista na pagaralan na dagdagan ang pondo ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) upang mas matugunan ang housing gap sa bansa.

Sa 2021 ay nasa P3.68 Billion lamang ang inaprubahang pondo ng Budget Department sa DHSUD na lubhang mababa kumpara sa P77.060 Billion na proposed budget sana sa susunod na taon.

 

 

 

TAGS: Department of Human Settlement and Urban Development, government housing, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Department of Human Settlement and Urban Development, government housing, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.