Kaso ng COVID-19 sa Kamara nadagdagan pa
By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2020 - 10:48 AM
Umakyat na sa 74 ang kaso ng COVID-19 na naitatala sa Kamara.
Ito ay makaraang isang security staff pa ng Kamara ang magpositibo sa COVID-19 ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales.
Ang nasabing staff ay uling pumasok sa trabaho noong September 2 at sumailalim sa COVID-19 test matapos lagnatin.
Nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente.
Sa 74 na kaso ng COVID-19 sa Kamara, 14 ang aktibong kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.