Global death toll sa COVID-19 mahigit 928,000 na

Sumampa na sa 928,208 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa 198,520.

Sumampa naman na sa mahigit 131,600 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 79,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 70,000.

Umabot naman na sa mahigit 21 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 7.2 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 198,520
Brazil – 131,663
India – 79,754
Mexico – 70,821
UK – 41,628
Italy – 35,610
France – 30,916
Peru – 30,710
Spain – 29,747
Iran – 23,157

 

 

Read more...