Kaso ng COVID-19 na naitala sa Baguio City 444 na

Nakapagtala ng labingtatlo pang bagong kaso ng COVID-19 sa Baguio City.

Ayon sa datos na inilabas ng Baguio City Public Information Office, umakyat na sa 444 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 95 ang aktibong kaso, 11 ang pumanaw at 338 na ang gumaling.

Mayroon pang 7,703 na residente ng Baguio City ang kasalukuyang sumasailalim sa quarantine.

Ang Baguio City ay nakapagsagawa na ng 39,458 na RT PCR test.

 

 

 

Read more...