Bocaue MTC sasailalim sa lockdown hanggang Sept. 25; isang empleyado nagpositibo sa COVID-19

Sasailalim sa physical closure ang Municipal Trial Court sa Bocaue, Bulacan.

Ito ay makaraang isang empleyado nito ang magpositibo sa COVID-19.

Ayon sa abiso ng Supreme Court – Public Information Office, batay sa nilagdaang memorandum ni Acting Presiding Judge Myrna, Lagrosa, simula ngayong araw hanggang Sept. 25 ay sarado muna ang korte.

Lahat ng court personnel ay pinapayuhan na mag-work from home muna sa nasabing mga petsa.

 

 

Read more...