DOH sa commuters: Pumili ng public transport na maluwag at kayang magpairal ng 1-meter social physical distancing
Sa pagsisimula ng pagpapatupad ng mas maliit na distansya sa pagitan ng mga pasahero sa mga pampublikong transportasyon ngayong araw, may payo ang Department of Health (DOH) sa publiko.
Sa inilabas na abiso, sinabi ng DOH na dahil sa desisyon ng Department of Transportion (DOTr) na bawasan ang distansya sa pagitan ng mga pasahero, pinapayuhan ang mga commuter na magdagdag ng pag-iingat sa pagsakay sa mga PUV.
Pinayuhan din ng DOH ang mga commuter, na kung may tsansa o kung posible, pumili ng masasakyan na kayang ipatupad ang 1 meter physical distancing.
Malaking bagay din ayon sa DOH ang pagusuot ng face mask, face shield, at paghuhugas ng kamay
Ang mga senior citizen, immunocompromised at mga may karamdaman ay pinapayuhang manatili lang sa bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.