Central Visayas nakapagtala ng 64 bagong kaso ng COVID-19
Sumampa na sa 19,772 ang buong kaso ng COVID-19 na naitala sa Central Visayas.
Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 64 na bagong kaso ng sakit kahapon (Sept. 13).
Ayon sa DOH-Central Visayas Center for Health Development, sa 19,772 na total confirmed cases ng COVID-19 sa rehiyon, 1,549 na lang ang aktibong kaso.
Umabot naman na sa 1,217 ang bilang ng nasawi.
Habang nakapagtala ng dagdag na bilang ng recoveries na umabot sa 161 dahilan para umabot na sa 16,668 ang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Malaking bilang ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ay sa Cebu City na nakapagtala na ng 9,742 cases.
385 na lang ang aktibong kaso sa Cebu City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.