Mahigit 800 pang Overseas Filipinos dumating sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2020 - 06:26 AM

DFA FILE PHOTO

Mayroong mahigit 800 pang Overseas Filipinos ang nakauwi sa bansa kahapon, Sept. 13.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), bahagi ito ng patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa mga Pinoy na naapektuhan ng pandemya sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan.

Kahapon mayroong 750 na Pinoy na dumating sa bansa lulan ng tatlong magkakahiwalay na flights galing sa United Arab Emirates.

May dumating ding 130 pang Pinoy galing ng Bahrain.

Habang may mga nakauwi din na galing ng South Korea lulan ng DFA-facilitated Korean Air flight KE623.

Ang mga bagong uwing OFs ay isinailalim sa swab test at dinala sa quarantine facilities.

Agad din silang pauuwiin sa kanilang pamilya sa sandaling mag-negatibo sa test.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, repatriation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, OFWs, Radyo Inquirer, repatriation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.