LPA sa west ng Northern Luzon nakalabas na ng bansa; isa pang LPA binabantayan ng PAGASA sa Mindanao

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2020 - 05:54 AM

Isang Low Pressure Area ang patuloy na binabantayan ng PAGASA sa Mindanao.

Huli itong namataan sa layong 175 kilometers East ng Davao City, Davao del Sur.

Posibleng maging isang ganap na bagyo ang naturang LPA ayon sa PAGASA.

Samantala, ang isa pang LPA na binabantayan ng PAGASA sa Northern Luzon ay nakalabas na ng bansa kaninang alas 2:00 ng madaling araw.

Dahil sa LPA sa Davao City ang buong Visayas at Mindanao ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.

Sa Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon, bahagyang maulap na papawirin lang ang iiral na may isolated na pag-ulan.

 

 

TAGS: Inquirer News, LPA, News in the Philippines, pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Inquirer News, LPA, News in the Philippines, pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.