Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 287 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas- 4:41 madaling araw ng Lunes (September 14).
May lalim na 33 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Nauna ng niyanig ng magnitude 4.5 at 3.5 na lindol ang lugar kaninang alas-12:50 at ala- 1:12 ng madaling araw.
MOST READ
LATEST STORIES