Santa Maria, Davao Occidental niyanig ng magnutude 3.1na lindol

Muling niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 12 kilometers northeast ng bayan ng Santa Maria, alas- 3:41 madaling araw ng Lunes (September 14).

May lalim na 16 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

Read more...