Sarangani, Davao Occidental muling niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 254 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, ala- 1:12 madaling araw ng Lunes (September 14).

May lalim na 32 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Nauna ng niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang lugar kaninang alas-12:50 Ng madaling araw.

 

 

 

 

 

Read more...