Bilang ng mga nakarecover sa COVID-19 sa Navotas nadagdagan pa

By Mary Rose B. Cabrales September 14, 2020 - 05:05 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease o COVID-19 sa Navotas.

Base sa huling datos ng lungsod (alas-6 ng gabi ng Linggo, September 13), nasa 4,173 na ang nakarecover sa COVID-19 kung saan 5 ang nadagdag.

Wala namang naitalang bagong nasawi sa lungsod kaya nanatili sa 131 ang bilang ng COVID-19 related deaths.

Ang bilang naman ng active cases ay 374 kung saan 38 ang nadagdag.

Sa kabuuan umabot na sa 4,678 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Patuloy na paalala ng pamahalaang lungsod ng Navotas na panatilihin ang pagsunod sa mga safety measures para maiwasan ang pagdami pa ng kaso.

TAGS: coronavirus, COVID-19, navotas, coronavirus, COVID-19, navotas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.