Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 30,429

By Mary Rose B. Cabrales September 14, 2020 - 04:58 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (September 13, 3:00 PM) nakapagtala ng 1,165 na bagong kaso kaya pumalo na sa 30,429 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 8,839
Laguna – 9,771
Batangas – 4,870
Rizal – 5,537
Quezon – 1,412

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 15,180.

Nasa 14,508 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 884 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 4,806
Laguna – 5,115
Batangas – 2,354
Rizal – 1,554
Quezon – 679

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 15 kaya umabot na sa 741 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 198
Laguna – 196
Batangas – 112
Rizal – 192
Quezon – 43

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

TAGS: Batangas, cavite, coronavirus, COVID-19, doh, Health, laguna, Quezon, Rizal, Batangas, cavite, coronavirus, COVID-19, doh, Health, laguna, Quezon, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.