Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 nasa 5,060 na


Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Linggo, September 13 6PM) umakyat na sa 5,060 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang ay mayroong 3,623 na pulis na nakarecover o gumaling na sa sakit.

Ang COVID-19 related deaths naman ay nanatili sa 16.

Ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP ay 758 at 3,368 naman ang suspected case.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

Read more...