Pansamantalang isinara ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte ang kanilang borders para sa locally stranded individuals (LSIs).
Ito ay para hayaan munang lumuwag ang kanilang quarantine facilities at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon sa pahayag ng Illcos Norte government, inaprubahan ng national inter-agency task force ang naturang hakbang.
Sa ilalim ng proseso, isasailalim muna sa 14 araw na quarantine ang mga uuwing LSI.
Ilang LSI na rin ang naging dahilan ng pagkalat ng COVID-19 sa iba’t ibang probinsya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.