Sinuspinde ng Office of the Ombudsman ang siyam na barangay captain sa Central Visayas.
Ito ay dahil sa anomalya sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP).
Anim na buwan ang suspension order ng Ombudsman.
Kabilang sa mga sinuspinde ang tatlong barangay captain sa Bohol, lima sa Cebu, at siyam sa Negros Oriental.
Sa kabuuan, 89 na barangay captain na ang pinatawan ng suspension order ng Ombudsman dahil sa anomalya pamamahagi sa SAP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.