21 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Eastern Visayas
By Angellic Jordan September 13, 2020 - 04:35 PM
Nadagdagan ng 21 ang bilang ng COVID-19 cases sa Eastern Visayas.
Naitala ang mga bagong kaso sa Tacloban City, Tanauan, Barugo, Alangalang, Tabango, Inopacan, Babatngon, Calubian, Merida at Villaba.
Ayon sa Department of Health – Eastern Visayas hanggang 1:00, Linggo ng hapon (September 13), umabot na sa 3,759 ang confirmed COVID-19 cases sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 685 ang aktibong kaso o katumbas ng 18.2 porsyento.
Nasa 3,044 o 81 porsyento naman ang naka-recover na sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.