BREAKING: Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa Pilipinas, 207,568 na; Higit 20,000 ang nadagdag

Mahigit 3,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Linggo (September 13), umabot na sa 261,216 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 49,277 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 3,372 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

87.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.8 porsyento ang asymptomatic; 1.4 porsyento ang severe habang 2.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 79 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 4,371 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 20,472 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 207,568 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...