outbrain

Higit P1 rollback sa mga produktong petrolyo, ipatutupad

By Angellic Jordan September 13, 2020 - 03:43 PM

Magpapatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Base sa abiso ng Unioil at Cleanfuel, may tapyas na P1 sa kada litro ng kanilang gasolina habang P1.50 naman sa diesel.

Nauna nang nagpatupad ng oil price adjustment ang Unioil bandang 6:00, Linggo ng umaga, September 13.

Ipatutupad naman ng Cleanfuel ang kanilang oil price rollback sa araw ng Lunes, September 14, bandang 8:01 ng umaga.

Inaasahan namang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang kumpanya ng langis.

TAGS: BUsiness, Cleanfuel, Inquirer News, oil price adjustment, oil price rollback, oil price watch, Radyo Inquirer news, Unioil, BUsiness, Cleanfuel, Inquirer News, oil price adjustment, oil price rollback, oil price watch, Radyo Inquirer news, Unioil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.