Gumaling na sa COVID-19 ang 540 na pulis sa Central Visayas na tinamaan ng virus.
Ayon kay Brig. Gen. Albert Ferro, magandang balita ito at nagtagumpay ang mga pulis na malagpasan ang panibagong hamon sa buhay.
Dahil magaling na sa COVID-19, balik-trabaho na ang mga pulis.
Ayon kay Ferro, ipagpapatuloy ng mga pulis ang pagpapatupad sa mahigpit na quarantine protocols.
Matatandaang isa ang Cebu sa nakapagtala ng may mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.