Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, higit 28.94 milyon na

By Angellic Jordan September 13, 2020 - 12:37 PM

Sumampa na sa 28.94 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 28,943,528 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 6,676,601 cases.

Sumunod na rito ang India na may 4,754,356 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 4,315,858 naman ang kaso sa Brazil habang 1,057,362 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Peru – 722,832
– Colombia – 708,964
– Mexico – 663,973
– South Africa – 648,214
– Spain – 576,697
– Argentina – 546,481
– Chile – 432,666
– Iran – 399,940
– France – 373,911
– United Kingdom – 365,174
– Bangladesh – 336,044
– Saudi Arabia – 325,050
– Pakistan – 301,481

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 924,575 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 20,811,312 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.