Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, huling namataan ang LPA sa bisinidad ng Silang, Cavite bandang 3:00 ng hapon.
Nagdudulot aniya ang LPA ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Central Luzon, Calabarzon, Metro Manila, Bicol region, Mimaropa, at Western Visayas.
Pagkalabas sa West Philippine Sea, patuloy aniyang kikilos ang LPA sa direksyong pa-Kanluran papalayo ng bansa.
Sinabi rin ni Rojas na asahang magkakaroon ng thunderstorms na magdudulot ng pag-ulan na tatagal ng dalawang oras sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
MOST READ
LATEST STORIES