Higit 97,000 pang COVID-19 cases, nadagdag sa India
By Angellic Jordan September 12, 2020 - 04:34 PM
Nasa 97,570 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa India.
Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (September 12), pumalo na sa 4,659,984 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 958,316 pa ang aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng 81,533 ang mga gumaling.
Dahil dito, 3,624,196 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.
Umakyat naman sa 77,472 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.