Aniya bahagi ito ng kanilang pagsusumikap na mabawasan ang local transmission ng COVID 19 sa lungsod.
Sinabi nito na bukod sa kanilang buwanang suweldo, ang mga kuwalipikadong aplikante ay tatanggap din ng P2,000 personnel economic relief allowance, Magna Carta of public health workers’ hazard pay na P8,507, hazard pay/subsistence allowance (during enhanced community quarantine) na P1,100 at laundry allowance na P150.
Bukod pa dito ang mga annual benefits mula sa pamahalaang lungsod na mid-year at year-end bonuses, cash gifts, incentive pay, productivity enhancement pay, additional benefits, clothing allowance at recognition incentives.
Ang mga interesado ay maaring magpadala ng kanilang letter of intent kay Binay sa pamamagitan ni Dr. Bernard Sese, ang officer-in-charge of the Makati Health Department (MHD).
Kalakip ng kanilang sulat ang kanilang resume, authenticated PRC ID/board rating, authenticated Transcript of Records, at diploma.