Inanunsyo ni Makati City Mayor Abby Binay na naghahanap sila ng medical and health workers, gaya ng mga doktor, nurse, medical technologist, midwives at nursing attendants.
Aniya bahagi ito ng kanilang pagsusumikap na mabawasan ang local transmission ng COVID 19 sa lungsod.
Sinabi nito na bukod sa kanilang buwanang suweldo, ang mga kuwalipikadong aplikante ay tatanggap din ng P2,000 personnel economic relief allowance, Magna Carta of public health workers’ hazard pay na P8,507, hazard pay/subsistence allowance (during enhanced community quarantine) na P1,100 at laundry allowance na P150.
Bukod pa dito ang mga annual benefits mula sa pamahalaang lungsod na mid-year at year-end bonuses, cash gifts, incentive pay, productivity enhancement pay, additional benefits, clothing allowance at recognition incentives.
Ang mga interesado ay maaring magpadala ng kanilang letter of intent kay Binay sa pamamagitan ni Dr. Bernard Sese, ang officer-in-charge of the Makati Health Department (MHD).
Kalakip ng kanilang sulat ang kanilang resume, authenticated PRC ID/board rating, authenticated Transcript of Records, at diploma.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.