Bangkay ng Pinoy Seaman iuuwi mula Japan sa Sept. 17
Inanunsyo ng DOLE na ang mga labi ng marinong Filipino na namatay sa paglubog ng isang cargo vessel sa Japan ay maiuuwi sa darating na Setyembre 17.
Wala naman naibigay na dahilan ang Philippine Overseas Labor Office sa Osaka sa pagkakapaliban sa pagbalik sa bansa ng katawan ni Joel Linao, ng Polomolok, South Cotabato.
Kabilang naman sa tulong na matataggap ng mga naulila ni Linao ay college scholarship sa kanyang mga anak o kaya sa sinoman niyang kaanak kung wala siyang mga anak.
Samantala, inaasahan naman na makakalabas na ng ospital ang isa sa nakaligtas na Filipino seaman, ang 30-anyos na si Jaynel Rosales.
Si Rosales at ang isa pang nakaligtas na Filipino na si Eduardo Sareno, 45, ay uuwi ng Pilipinas sa susunod na linggo.
Ang dalawa ay tinutulungan ng mga tauhan ng POLO at binigyan din sila ng pera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.