LOOK: Mahigit P49M na premyo sa lotto nakuha na ng 73-anyos na nagwagi mula La Union

Isang 73 anyos na lolo ang bagong milyonaryo matapos magwagi ng mahigit P49 million sa Lotto 6/42.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nakuha na ng lolo ang kaniyang premyo na aabot sa P49,707,326.

Nakuha ng lolo ang winning number combination sa 6/42 na 03-11-06-19-33-10 noong Sept. 3 draw.

Sinabi ng lolo na matapos niyang bilhin ang lotto tickes, dalawang gabi siyang halos hindi maatulog dahil sa pangambang nagkamali siya sa numerong natayaan.

Hindi niya alam na ang pagkakamali palang iyon ang magbibigay daan para siya ay maging milyonaryo.

 

 

 

 

Read more...