6 pang Filipino abroad nagpositibo sa COVID-19
Anim pa ang napaulat na bagong mga Filipino sa ibang bansa ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 11, umakyat na sa 10,168 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 76 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,979 ang patuloy na nagpapagaling.
8 naman ang bagong gumaling kung kaya 6,421 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Nananatili naman sa 768 ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,002 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,169 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 803 naman ang kaso sa Americas at 1,194 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.