Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (September 11), umabot na sa 252,964 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 62,250 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 4,040 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
88.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.4 porsyento ang asymptomatic; 1.1 porsyento ang severe habang 1.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 105 out of 117 licensed laboratories.
Dahil dito, umakyat na sa 4,108 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 566 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 186,606 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon sa DOH, 6 na laboratoryo ang nabigong magsumite ng kailang datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS).