Ang bagong petisyon ay inihain ng United Against Torture Coalition, na sinabing ang bagong batas kontra terorismo ay kontra sa RA 9745 o ang Anti Torture Law of 2009.
Binanggit ng grupo ang Section 29 ng bagong batas kung saan nakasaad na ang mga pinagdududahan na mga terorista at maaring ikulong ng 14 araw at maaring mapalawig pa ng 10 araw bago sila pormal na masampahan ng kaso sa korte.
Inaasahan naman na isasama na lang ang bagong petisyon sa unang inihain na petisyon.
Nabatid din na dalawa pang katulad na petisyon ang inihain higit isang buwan na ang nakakalipas ngunit walang kumpirmasyon kung natanggap na ang mga ito ng Korte Suprema.
Ang dalawang petisyon ay mula sa Mindanao at ipinadala sa SC sa pamamagitan ng koreo.
Una nang inanunsiyo ng SC na magkakaroon ng oral arguments hinggil sa mga petisyon at si Solicitor General Jose Calida ay humirit na sa Kataastaasang Hukuman na huwag nang ituloy ang diskusyon dahil maaring malabag ang pagbabawal sa mass gatherings.