Pagtatambak ng “white sand” sa Manila Bay pinaiimbestigahan sa Kamara

By Erwin Aguilon September 11, 2020 - 03:32 PM

Naghain ng resolusyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Makabayan Bloc upang imbestigahan ang kontrobersyal na ‘white sand’ project ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Manila Bay.

Base sa House Resolution 1194 na inihain ng mga kongresista sa Makabayan bloc, nais ng mga ito na magsagawa ng imbestigasyon ang Kamara upang mabatid ang ‘suitability at sustainability’ ng Manila Bay Rehabilitation Program partikular na sa pagbubuhos ng crushed dolomite boulders sa baybayin.

Nakasaad sa resolusyon ang pagtutol ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas, Kalikasan People’s Network for the Environment, Oceana, at Greenpeace sa proyekto bunsod ng sinasabing ‘impact’ nito sa kalusugan at kapaligiran gayundin ang hindi nararapat na paggamit sa pondo.

Maging ang ilang myembro ng academe ay nagpahayag na maaaring maghain ng ‘writ of kalikasan’ sa Korte Suprema ang mga kritiko upang mapatigil ang proyekto.

Nauna rito, sa pagdinig ng Kamara sa budget ng ahensya sa susunod na taon, dumepensa na si Environment Secretary Roy Cimatu at sinabing hindi delikado sa kapaligiran at sa kalusugan ng publiko ang inilagay na dolomite sand sa Manila Bay.

Tiniyak ng Kalihim sa taumbayan na ito ay pinag-aralan muna bago nila gawin at salig sa kautusan ng Supreme Court noong 2008 ang ginagawa nilang paglilinis at pagpapaganda sa lugar.

Ang P389 Million na pondo naman dito ay bahagi ng special purpose fund noong 2019 na inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) na nakalaan talaga sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, DBM, DENR, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Manila Bay, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, DBM, DENR, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Manila Bay, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.