2 NPA member patay, 1 huli sa engkwentro sa Davao City

By Jan Escosio September 11, 2020 - 02:56 PM

Nasawi ang dalawang miyembro ng New People’s Army at isa pa ang nahuli matapos ang engkuwentro sa Barangay Saloy, Calinan District sa lungsod ng Davao.

Nagtungo ang mga tauhan ng Army 27th Infantry Battalion sa lugar base sa mga sumbong ng mga residente ukol sa presensiya ng mga armado.

Sa pagpapalitan ng mga putok, namatay ang dalawang rebelde samantalang nahuli naman ang isang sugatang amasona, na dinala sa Southern Philippines Medical Center.

Narekober sa kanila ang tatlong Armalite rifles, isang M4 rifle, at isang M-14 rifle.

Pinuri naman ni Lt. Gen Jose C Faustino Jr., commander ng Eastern Mindanao Command, 27th Infantry Battalion sa pagbabantay sa mga komunidad ng lungsod at pinasalamatan din ang mga komunidad sa pakikipagtulungan sa awtoridad.

“The culture of security in the City of Davao is indeed present. With the help of concerned residents, inhumane acts and possible atrocities to be committed by the Communist Terrorist Group against this peaceful city have been prevented,” aniya.

 

 

 

 

 

TAGS: arangay Saloy, Calinan District, Davao City, encounter, npa member, arangay Saloy, Calinan District, Davao City, encounter, npa member

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.