Plant poaching naitala sa mga parke sa Baguio; naggagandahang halaman sa Mines View Park at Burnham Park halos maubos

By Dona Dominguez-Cargullo September 11, 2020 - 01:05 PM

Maliban sa problema sa “pandemic” problema na rin ngayon sa Baguio City ang “plantdemic”.

Nakapagtala na kasi ng plant poaching sa mga parke sa lungsod ayon sa City Environment and Parks Management Office (CEPMO).

Sinabi ni CEPMO Asst. Department Head Rhenan Diwas na halos maubos ang mga monstera plants sa Mines View Park at Burnham Park.

Ang monstera deliciosa o Swiss Cheese ay isa lamang sa mga in demand na halaman ngayon online at nabebenta ito ng mahal.

Ayon pa kay Diwas, nagkawala din ang mga succulents sa City Hall Park, habang sa Upper Session Road greenbelt ay nabawasan ang rubber trees.

Nagsasagawa na ng inspeksyon ang CEPMO sa iba pang mga parke at gardens sa Baguio City.

Kamakailan, isang netizen sa lungsod ang nagbahagi ng video ng isang babae na kumukuha ng mga halaman sa public elementary schools sa Baguio.

Para maiwasan ang tuluyang pagkaubos ng mga halaman sa mga parke sa Baguio, lalagay na ang CEPMO ng mga bantay.

Maliban sa regular na security personnel na naka-duty itatalaga din ang mga tauhan ng Public Order and Safety Division (POSD) para mag-ikot sa mga parke.

Aatasan din ang mga barangay na bantayan ang mga nasasakupan nila.

Ang pagkuha ng halaman mula sa mga public spaces ay paglabag sa Environment Code ng lungsod (Ord. No. 18, S. Of 2016) at may parusang P5, 000 multa o limang araw na pagkakakulong.

Kung endangered o threatened species naman ang kinuha gaya ng partikualr na species ng Alocasia, maaring makasuhan ng paglabag sa RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

May katapat itong parusa na 6 hanggang 12 taon na pagkakakulong at multa na P100,000 hanggang P1 million.

 

 

 

 

 

TAGS: baguio city, burnham park, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, mines view, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, plant poaching, plantdemic, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, baguio city, burnham park, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, mines view, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, plant poaching, plantdemic, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.