Sahod ng mga Judges-at-large at hazard pay ng mga hukom hindi kasama sa 2021 budget ng Judiciary

By Erwin Aguilon September 11, 2020 - 12:19 PM

Wala sa ilalim ng 2021 budget ng Judiciary ang alokasyon para sa sahod ng mga Judges-at-Large.

Sa pagdining ng Kamara sa budget ng hudikatura sinabi ni Court Administrator Jose Midas Marquez na bukod sa sahod ng mga Judges-at-Large, hindi rin aniya kasama sa kanilang pondo para sa susunod na taon ang hazard pay ng mga hukom.

Sabi ni Marquez, isinama nila ito sa kanilang P55.88B budget proposal sa Department of Budget and Management (DBM) pero inalis ito sa P43.54B na pondo na nakasaad sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP).

Mahalaga anya ang papel na ginagampanan ng mga Judges-at-Large lalo na sa mga lugar sa bansa na may mataas na case load.

Dahil dito, ipinarerekonsidera ni Marquez sa Kongreso na maibalik ang P244.9M na alokasyon para sa 60 trial Judges-at-Large para sa second level courts at 40 trial Judges-at-Large sa first level courts at ang P144M para sa hazard pay ng mga trial judges.

 

 

 

 

TAGS: Department of Budget and Management, Inquirer News, judiciary, National Expenditure Program, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Department of Budget and Management, Inquirer News, judiciary, National Expenditure Program, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.