2021 budget ng ERC pinadadagdagan sa Kamara

By Erwin Aguilon September 11, 2020 - 11:33 AM

Umapela si Assistant Majority Leader at Iloilo City Rep. Julienne Baronda sa Kamara na dagdagan ang 2021 budget ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Sa ilalim ng proposed 2021 budget ng ERC ay P564 Million lamang ang inaprubahang budget dito ng Department of Budget and Management (DBM).

Hiniling ni Baronda na taasan pa ang pondo ng ahensya nang sa gayon ay marami pang lugar sa bansa ang mapaganda ang serbisyo at mabigyan ng sapat na suplay ng kuryente.

Nauna dito ay naitanong ni Baronda kay ERC Chairperson Agnes Devanadera ang estado ng kanyang request para sa reclassification ng substation ng Panay Energy Development Corporation (PEDC) bilang transmission asset mula sa generation asset.

Agad namang tinugunan ng ERC ang reclassification ng PEDC line nitong Agosto kung saan maaari itong magamit na ng iba pang power suppliers na magreresulta sa kompetisyon at pagbaba ng singil sa kuryente.

 

 

TAGS: budget hearing, ERC Budget, house hearing, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, budget hearing, ERC Budget, house hearing, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.